Php170K halaga ng shabu, nakumpiska sa buy-bust sa Mati City; HVI, arestado

0
571

Nakumpiska ang tinatayang Php170,000 halaga ng shabu sa isang buy-bust operation na isinagawa ng mga otoridad noong gabi ng Agosto 19, 2025 sa Barangay Don Martin Marundan, Mati City, Davao Oriental.

Ang operasyon ay pinangunahan ng Mati City Police Station sa pangunguna ni Police Captain Joeffre Q Narido at sa ilalim ng direktang superbisyon ni Police Lieutenant Colonel Frederick C Sa-ao, Acting Chief of Police.

Naaresto ang suspek na si alyas “Lito”, 38 anyos, isang construction worker, at residente ng Barangay RMM, Mati City, Davao Oriental.

Ang operasyon ay bahagi ng COPLAN TANKAW at isinagawa sa tulong at koordinasyon ng PDEU, PIU-DOPPO, RIU XI, at PDEA XI.

Narekober ang dalawang sachets ng hinihinalang shabu na may kabuuang bigat na humigit-kumulang 25 gramo.

Ang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.

Nanawagan naman ang PNP sa publiko na magpatuloy sa pagbibigay ng impormasyon at suporta sa mga kampanya laban sa droga upang tuluyang linisin ang komunidad sa banta ng iligal na droga.

Panulat ni Pat Shairra Rose A Aquino