Php17.55M halaga ng hinihinalang smuggled na sigarilyo, nasabat ng PRO BAR sa Maguindanao del Norte; driver, arestado

0
63

Arestado ng mga tauhan ng Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region (PRO BAR) ang isang driver sa isinagawang hot pursuit operation nito lamang Lunes, Oktubre 19, 2026 sa Brgy. Nituan, Parang, Maguindanao del Norte.

Ayon kay Police Brigadier General Christopher M Abecia, Regional Director ng PRO BAR, nagsimula ang operasyon matapos hindi huminto sa unang checkpoint ang driver ng isang puting wing van truck. Dahil dito, inalerto ng mga tauhan ang kalapit na checkpoint at nagsagawa ng koordinadong pagtugis sa sasakyan. Matapos ang maikling habulan, naharang ng pinagsanib na puwersa ng mga operatiba ang sasakyan sa isang compound ng kalakalan ng niyog, kung saan nadiskubre ng mga awtoridad ang kargamento ng mga hinihinalang smuggled na sigarilyo.

Narekober sa naturang operasyon ang nasa 300 master cases na katumbas ng 15,000 reams ng Fort brand ng hinihinalang smuggled na sigarilyo na nagkakahalaga ng Php17,550,000.

Naging matagumpay ang operasyon dahil sa pagsisikap ng mga tauhan ng 3rd Maneuver Platoon, 1401st Regional Mobile Force Company, Regional Mobile Force Battalion 14-A, Tactical Support Company-A of RMFB 14-A, Regional Intelligence Unit 15, Maritime Group, Maguindanao Maritime Police Station, 2nd Marine Rifle Battalion, at Parang Municipal Police Station.

 “This operation demonstrates the importance of vigilance, timely information-sharing, and close coordination among our law enforcement and security partners. We will continue to take decisive action against smuggling and other illegal activities that undermine lawful commerce and public welfare. Every successful operation reflects our commitment to protecting our communities and upholding the rule of law in the Bangsamoro region” (Ipinapakita ng operasyong ito ang kahalagahan ng pagiging mapagmatyag, maagap na pagbabahagi ng impormasyon, at mahigpit na koordinasyon sa pagitan ng ating mga katuwang sa pagpapatupad ng batas at seguridad. Patuloy tayong magsasagawa ng mga tiyak at matatag na hakbang laban sa smuggling at iba pang ilegal na gawain na sumisira sa lehitimong kalakalan at kapakanan ng publiko. Bawat matagumpay na operasyon ay sumasalamin sa ating pangakong pangalagaan ang ating mga komunidad at itaguyod ang paghahari ng batas sa rehiyon ng Bangsamoro), mensahe ni PBGen Abecia.

Source: Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region

Panulat ni PMSg Grace Ortiz

Leave a Reply