Php16.3M halaga ng shabu, nasabat ng PNP at PDEA sa Quezon City; 2 indibidwal, arestado

0
461

Nasabat ang tinatayang Php16.3 milyong halaga ng shabu sa ikinasang joint operation ng mga awtoridad sa Quezon Memorial Circle, Barangay Central, Quezon City nito lamang Linggo ng gabi, Enero 11, 2026.

Kinilala ni Police Brigadier General Elmer Ragay, Acting Director ng PNP Drug Enforcement Group, ang mga suspek na sina alyas alyas “JP”, 44 anyos at alyas “Kimmy”, 22 anyos at nahaharap sa paglabag sa Sections 5 at 11, kaugnay ng Section 26 ng Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.

Narekober sa naturang operasyon ng PNP DEG at PDEA Intelligence Service, PDEA Regional Office–NCR ang tinatayang dalawang kilo ng hinihinalang shabu nagkakahalaga ng Php13,600,000, isang sedan at dalawang cellular phones.

Patuloy ang mas pinaigting na operasyon ng PNP DEG at PDEA upang maprotektahan ang komunidad laban sa masamang epekto ng iligal na droga na tiyak na nagdudulot ng pagkasira ng kalusugan, pagtaas ng kriminalidad, at pagkawatak-watak ng mga pamilya.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/metro/2026/01/14/2500749/buy-bust-sa-quezon-city-circle-2-tulak-arestado-sa-p136-milyong-shabu