Nasamsam sa ikinasang operasyon ng mga awtoridad ang tinatayang Php159,052 halaga ng shabu at naaresto ang apat na indibidwal sa isinagawang drug buy-bust operation noong ika-17 ng Enero 2025 sa Barangay Bito Buadi Itowa, Marawi City, Lanao del Sur.
Kinilala ni Police Colonel Robert S Daculan, Provincial Director ng Lanao del Sur Police Provincial Office, ang mga suspek na sina alyas “Orven”, 30 anyos; alyas “Alber”, 38 anyos; alyas “Junaid”, 29 anyos; at alyas “Nab”, 34 anyos, pawang residente ng naturang bayan.
Naging matagumpay ang pagkakaaresto sa mga suspek sa ikinasang operasyon ng mga tauhan ng Marawi City Police Station katuwang ang 1st Provincial Mobile Force Company LDSPPO, 1402nd at 1403rd Regional Mobile Force Battalion, Provincial Special Operations Group, at Criminal Investigation and Detection Group LDS na nasamsam mula sa mga suspek ang tatlong heat-sealed transparent plastic sachets na may bigat na 23.39 gramo na tinatayang nagkakahalaga ng Php159,052, isang empty pack ng San Marino, drug paraphernalia, boodle money na ginamit bilang buy-bust money, dalawang lighter, isang Yamaha NMAX at remote nito.
Ang mga suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002” o Republic Act 9165.
Ang Lanao del Sur PNP sa pakikipagtulungan ng iba’t ibang yunit ng pulisya, ay nananatiling nakaantabay upang masigurong ligtas at maayos ang pamumuhay ng mga mamamayan laban sa banta ng ilegal na droga.
Panulat ni Pat Ma. Señora Agbuya