Arestado ang dalawang Street Level Individual at nasamsam ang nasa Php149,600 halaga ng shabu sa ikinasang buy-bust operation ng mga operatiba ng San Miguel Municipal Police Station sa Brgy. Maligaya, San Miguel, Bulacan, noong Mayo 26, 2026.
Ayon kay Police Lieutenant Colonel Mohammad Taufh S Abduhalim, Hepe ng San Miguel MPS, kinilala ang mga suspek na sina alias “Jojo,” 49 anyos, residente ng Purok 3, Brgy. Maligaya, San Miguel, Bulacan, at alias “Buleg,” 59 anyos, residente naman ng Purok 6 ng nasabing barangay na nahaharap sa kasong paglabag sa Sections 5, 11, at 26 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Nakumpiska sa operasyon ang apat na heat-sealed plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na humigit-kumulang 22 gramo at may standard drug price na nagkakahalaga ng Php149,600, marked money, at isang itim na pouch.
Patuloy ang maigting na kampanya ng San Miguel PNP kontra sa ilegal na droga upang mapanatili ang kapayapaan na naaayon sa adhikain na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat at Nararamdaman.”



