Php149K halaga ng shabu, nasamsam ng PNP at PDEA 13; 2 Drug suspect, arestado

0
395

Nasamsam ang tinatayang Php149,600 halaga ng hinihinalang shabu mula sa dalawang suspek sa pinaigting na operasyon kontra iligal na droga na isinagawa ng PNP Caraga katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) 13 nito lamang Agosto 24, 2025.

Sa Surigao del Sur, isang buy-bust operation ang nagresulta sa pagkakaaresto ng isang High Value Individual (HVI) na nakilalang si alyas “Mark,” 34, residente ng Barangay Calagdaan, Cantilan.

Nakumpiska mula sa kanya ang tinatayang 12 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng Php81,600, kasama ang buy-bust money at drug paraphernalia.

Samantala, sa Butuan City, isang Street Level Individual (SLI) na nakilalang si alyas “Dol,” 49, ang nadakip sa Barangay Bayanihan sa isa ring buy-bust operation.

Nakuha mula sa suspek ang humigit-kumulang 10 gramo ng shabu na may halagang Php68,000.

Ayon kay Police Brigadier General Marcial Mariano P. Magistrado IV, Regional Director ng Police Regional Office 13, ang mga suspek ay mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.

“Our relentless campaign against drug peddlers and users will not stop until the Caraga Region is completely free from the influence of illegal drugs. We will continue to intensify our operations and strengthen our collaboration with other law enforcement agencies and the Barangay Anti-Drug Abuse Councils,” ani PBGen Magistrado IV.

Panulat ni Pat Karen Mallillin