Tinatayang umabot sa Php14,224,000.00 ang Standard Drug Price (SDP) ng hinihinalang ilegal na droga na nasamsam ng Police Regional Office 6 (PRO6) sa magkakahiwalay na operasyon sa buong Western Visayas mula Setyembre 1 hanggang 15, 2026, na nagresulta sa pagkakaaresto ng 62 drug personalities.
Sa loob ng15 araw ng Setyembre, nakapagsagawa ang PRO6 ng 47 anti-illegal drug operations, kung saan nakumpiska ang kabuuang 2,090 gramo ng hinihinalang shabu at 100 gramo ng marijuana.
Pinakamalaki sa mga naitalang accomplishment ang mula sa Iloilo Police Provincial Office (PPO), na nakapagsagawa ng 17 operasyon at nakapag-aresto ng 30 indibidwal, kabilang ang 14 HVIs at 16 SLIs. Nasamsam din ang 1,267.00 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng Php8,615,600.00.
Ang Regional Police Drug Enforcement Unit 6 (RPDEU 6) naman ay nakapagsagawa ng tatlong operasyon na nagresulta sa pagkakaaresto ng apat na indibidwal—tatlong HVIs at isang SLI —at pagkakasamsam ng 495 gramo ng hinihinalang shabu na may SDP na Php3,366,000.00.
Samantala, nakapagtala rin ang Iloilo City Police Office (ICPO) ng 24 operasyon, kung saan 25 indibidwal, kabilang ang tatlong HVIs at 22 SLIs, ang naaresto. Nasamsam din ang 315 gramo ng hinihinalang shabu at 100 gramo ng marijuana na may kabuuang SDP na Php2,154,000.00.
Patuloy naman ang pagkilos ng iba pang yunit ng PRO6 upang pigilan ang paglaganap ng ilegal na droga, maprotektahan ang mga komunidad, at makamit ang isang mas ligtas at drug-free na Western Visayas alinsunod sa adbokasiya ng “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”
Binigyang-diin ng PRO6 na ang mga resultang ito ay bunga ng patuloy na intelligence gathering, validation ng impormasyon, koordinasyon ng mga operating unit at partner agencies, at pakikipagtulungan ng mga lokal na pamahalaan, barangay officials, at mamamayan.
Ayon kay Police Brigadier General Randulf T Tuaño, Regional Director ng PRO6, mahalaga ang tiwala at aktibong pakikipagtulungan ng komunidad upang mas maagap na matukoy at maputol ang operasyon ng mga sangkot sa ilegal na droga.
“Bawat impormasyong ibinibigay ng mamamayan ay maaaring maging simula ng isang matagumpay na operasyon at, higit sa lahat, maaaring makapigil sa ilegal na droga na makarating sa ating mga tahanan at kabataan. Kaya patuloy nating palalakasin ang ugnayan ng pulisya at komunidad—mula sa tamang impormasyon, masusing validation, hanggang sa mabilis at naaayon sa batas na pagkilos,” pahayag pa ni PBGen Tuaño.
Source: https://www.facebook.com/share/p/1PHfzjpB9K/?mibextid=wwXIfr

