Caloocan City – Timbog ang dalawang pusher matapos mahulihan ng tinatayang Php136,000 halaga ng shabu ng mga operatiba ng Caloocan City Police Station nito lamang Sabado, Nobyembre 4, 2023.
Pinangalanan ni PBgen Rizalito Gapas, District Director ng Northern Police District, ang mga suspek na sina alyas “Kalbo”, 41, pusher at isang High Value Individual; at alyas “Bet”, 42, pawang residente ng Caloocan City.
Ayon kay PBGen Gapas, bandang 5:30 ng madaling nang isagawa ang buy-bust operation ng Station Drug Enforcement Unit SDEU-CCPS na humatong sa pagkakadakip ng mga suspek sa kahabaan ng Julian Felipe Street, Barangay 8, Caloocan City.
Nasabat ng pulisya sa mga suspek ang apat (4) na piraso ng medium heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng pinaniniwalaang shabu na may kabuuang timbang na higit kumulang 20 gramo at may Standard Drug Price na Php136,000; at isang (1) piraso ng tunay na Php500 na ginamit bilang buy-bust money kasama ang walong (8) piraso ng Php1,000 bilang boodle money.
Paglabag sa Seksyon 5 at 11 ng Artikulo II ng R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kahaharapin ng dalawa.
Nagpaalala naman ang Northern Police District sa mga gumagawa ng kriminalidad na tumigil sa kanilang mga masamang gawain dahil hindi titigil ang Pambansang Pulisya sa pagsugpo sa mga taong lumalabag sa ating batas.
Source: NPD PIO
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos