Cagayan de Oro City – Tinatayang nasa Php115,600 halaga ng hinihinalang shabu ang nasabat sa Top 7 PNP-PDEA Target List (City Level) sa ikinasang buy-bust operation ng City Drug Enforcement Unit ng Cagayan de Oro City Police Office sa Phase 1, Zone 5, Block 4, Lot 14, Relocation, Brgy. Canitoan, Cagayan de Oro City bandang 5:34 ng hapon nito lamang Pebrero 6, 2023.
Kinilala ni Police Colonel Aaron Mandia, City Director ng Cagayan de Oro City Police Office, ang suspek sa alyas “Albert”, 50, at residente ng nasabing lugar.
Nakuha mula sa operasyon ang tatlong paketeng hinihinalang shabu na may bigat na 17 gramo na nagkakahalaga ng Php115,600 at isang pirasong Php500 bill na ginamit bilang buy-bust money.
Ang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Sinisiguro ng Northern Mindanao PNP ang mas pinaigting na kampanya laban sa ilegal na droga upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa Hilagang Mindanao.
Panulat ni Patrolman Edwin Baris/RPCADU10