Tinatayang nasa Php112,000 halaga ng puslit na sigarilyo ang nakumpiska mula sa dalawang lalaki sa isinagawang checkpoint operation ng Tukuran PNP sa Purok Narra, Barangay Militar, Tukuran, Zamboanga del Sur nito lamang ika-23 ng Pebrero 2024.
Kinilala ni Police Major Simplicio M Pasaol, OIC ng Tukuran Municipal Police Station, ang mga naarestong suspek na sina alyas “Riri”, 27, lalaki, may asawa, residente ng Sta. Catalina, Zamboanga City at alyas “Al-al”, 26, lalaki, walang asawa, lalaki at residente ng Barangay Tairan, Lantawan, Basilan nito lamang Pebrero 21, 2024.
Ayon kay PMaj Pasaol, habang nagsasagawa ang mga awtoridad ng checkpoint sa boundary ng Purok Narra, Barangay Militar, Tukuran, Zamboanga del Sur ay naharang nila ang isang unit ng Elf Fuso Utility vehicle na may plakang CAR 8598 at may karga na 196 Rims ng New Far White at 204 Rims ng Astro Red na hinihinalang puslit na sigarilyo at tinatayang nagkakahalaga ng Php112,000.
Ang mga suspek ay dinala sa Tukuran MPS para sa dokumentasyon at mahaharap ang mga ito sa kasong paglabag sa Republic Act 10863 o Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) kung saan nakipag-ugnayan din ang Tukuran MPS sa Bureau of Customs Region 9 para sa wastong disposisyon ng mga ebidensya.
Patunay lamang na ang Pambansang Pulisya ng Pilipinas katuwang ang ibang ahensya ng pamahalaan ay hindi nagpapabaya sa kanilang sinumpaang tungkulin na hulihin ang mga taong tiwalag sa batas upang mapanatiling ligtas at maayos ang komunidad kontra sa mga ilegal na aktibidad.
Panulat ni Patrolwoman Louise Marie V Conde