Mahigit Php102,000 halaga ng iligal na droga ang nasabat ng mga operatiba ng City Drug Enforcement Unit-Iligan City Police Office katuwang ang Iligan City Police Station at PDEA 10 sa Zone 10, Barangay Poblacion, Iligan City nito lamang ika-25 ng Mayo 2025.
Kinilala ni Police Colonel Jerry A Tambis, Team Leader ng Iligan City Police Office, ang suspek na si alyas “Amay”, 45 anyos, at residente ng Zone 10, Barangay Poblacion, Iligan City.
Nakumpiska mula sa suspek ang 15 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng mahigit kumulang na Php102,000, isang (1) Php500 bill na ginamit bilang buy-bust money, isang (1) plastic container na kulay blue, isang (1) disposable na lighter at isang (1) drinking straw.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.
Ang mas pinaigting at mahusay na operasyon ay naglalarawan sa pagkakaisa ng ahensya ng pamahalaan sa pagsugpo ng iligal na droga para sa kapakanan ng mamamayan at kaligtasan ng komunidad tungo sa isang Bagong Pilipinas.