Php1.8M halaga ng smuggled na sigarilyo, nasabat ng Zamboanga Sibugay PNP

0
291

Nasabat ng mga tauhan ng Zamboanga Sibugay Police Provincial Office ang tinatayang Php1.8 milyong halaga ng smuggled na sigarilyo at naaresto ang isang indibidwal bandang 1:30 ng madaling araw noong Marso 3, 2026 sa Purok Dancing Lady, Barangay Poblacion, Alicia, Zamboanga Sibugay.

Ayon kay Police Colonel Barnard Danie V. Dasugo, Provincial Director ng Zamboanga Sibugay Police Provincial Office, naging matagumpay ang operasyon dahil sa pagsisikap ng mga tauhan ng Zamboanga Sibugay Provincial Intelligence Unit, Zamboanga Sibugay Provincial Intelligence Unit, Alicia Municipal Police Station, Zamboanga Sibugay Maritime Police Station at Bureau of Customs.

Nakumpiska sa naturang operasyon ang kabuuang 31 master cases, 57 reams, at 13 packs ng assorted cigarettes na may tinatayang may market value na aabot sa Php1,843,112, isang motorized pump boat na may single engine na tinatayang nagkakahalaga ng Php80,000.

“This successful anti-smuggling operation underscores our unwavering commitment to safeguarding our borders and preventing the proliferation of illicit goods that threaten public safety and economic stabitlity. Hindi tayo papaya nag awing daanan ng anumang uri ng smuggling o illegal na gawain ang ating mga karagatan. Paiigtingin at tuloy-tuloy ang ating pagbabantay upang tiyakin ang seguridad at kapayapaan ng ating bayan,” mensahe ni PCol Dasugo.