Php1.8M halaga ng hinihinalang smuggled na sigarilyo narekober ng PRO13; dalawang suspek, arestado

0
279

Nakumpiska ng Police Regional Office 13 (PRO13) ang Php1,812,500 na halaga ng hinihinalang smuggled na sigarilyo at naaresto ang dalawang suspek sa isinagawang anti-smuggling operation bandang 9:30 ng gabi noong Nobyembre 17 sa Brgy. Poblacion 2, Remedios T. Romualdez (RTR), Agusan del Norte.

Pinangunahan ng Regional Intelligence Division 13, katuwang ang RTR Municipal Police Station at Provincial Intelligence Unit ng Agusan del Norte PPO, ang operasyon na nagresulta sa pagkakaaresto kina alyas “Jes,” 33 anyos, residente ng Bulacan, at alyas “Joel,” 44 anyos, residente ng El Salvador City, Misamis Oriental.

Nakumpiska sa operasyon ang isang container van, 26 na master cases ng White/Red Modern na sigarilyo at tatlong master cases ng White/Red Oris na sigarilyo na nagkakahalaga ng kabuuang Php1,812,500.

Ayon kay PRO13 Regional Director PBGen Rolindo M Suguilon, patuloy na paiigtingin ng pulisya ang mga operasyong nakatuon sa pagsugpo sa pagpupuslit ng mga produkto at iba pang ilegal na gawain sa rehiyon.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act No. 10863 o Customs Modernization and Tariff Act at Republic Act No. 10643 o Graphic Health Warnings Law.

Leave a Reply