inatayang Php1,600,000 ang nadiskubre at sinunog ng mga operatiba ng Kalinga Police Provincial Office sa isinagawang marijuana eradication sa Barangay Loccong, Tinglayan, Kalinga nito lamang ika-5 ng Pebrero 2025.
Ayon kay Police Colonel James D Mangali, Acting Director ng Kalinga PPO, ang isinagawang eradication ay nasa ilalim ng “Oplan Charlie Weed” na isinagawa sa pangunguna ng mga tauhan ng Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) at Provincial Intelligence Unit (PIU), katuwang ang mga operatiba ng Tinglayan Municipal Police Station at Balbalan MPS.
Naisagawa ang operasyon ng pinagsamang mga operatiba sa communal forest ng nasabing barangay na humantong sa pagkatuklas ng dalawang plantasyon ng marijuana na may kabuuang lawak na 500 sqm at may tanim na humigit kumulang 8,000 na halaman ng marijuana at may Standard Drug Price na Php1,600,000.
Lahat ng mga nadiskubreng halaman ng marijuana ay naidokumento bago binunot at sinunog sa mismong lugar.
Patuloy rin ang panawagan ng Kalinga PNP sa mga residente na itigil ang pagtatanim dahil ito ay pinagbabawal ng batas at may karampatang parusa sa ilalim ng Republic Act 9165.