Php1.3M halaga ng shabu, nasamsam ng PNP DEG13; High Value Individual, arestado

0
750

Nasamsam ng mga operatiba ng Special Operations Unit 13 (SOU13), PNP Drug Enforcement Group (DEG) ang mahigit Php1,360,000 halaga ng hinihinalang shabu at naaresto ang isang High Value Individual (HVI) sa isinagawang search warrant operation sa Barangay JP Rizal, Butuan City bandang 12:05 ng tanghali nito lamang Setyembre 15, 2025.

Kinilala ang suspek na si alyas “Megs,” 40 anyos, na kabilang sa HVI category at matagal ng minamanmanan ng mga awtoridad dahil sa pagtutulak ng iligal na droga sa iba’t ibang lugar sa lungsod.

Nakumpiska mula sa suspek ang 200 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng Php1,360,000, kasama ang iba pang drug paraphernalia.

Ang operasyon ay isinagawa sa ilalim ng pamumuno ni Police Brigadier General Edwin A. Quilates, Director ng PNP DEG, katuwang ang Butuan City Police Station 1 at sa koordinasyon ng PDEA Regional Office XIII.

“This accomplishment is proof of the importance of strong inter-agency collaboration and the relentless efforts in the fight against illegal drugs to ensure a safe and drug-free community,” ani PBGen Quilates.

Panulat ni Patrolwoman Karen Mallillin