Tiklo ang isang High Value Individual (HVI) matapos itong mahulihan ng shabu na nagkakahalaga ng Php1,360,000 sa isinagawang buy-bust operation ng mga tauhan ng Drug Enforcement Team ng Siniloan Municipal Police Station sa Barangay Wawa, Siniloan, Laguna nito lamang ika-13 ng Enero 2025.
Kinilala ni Police Brigadier General Paul Kenneth T Lucas, Regional Director ng PRO Calabarzon, ang suspek na si alyas “Marvin,” 41, na nakalista bilang High Value Individual sa Siniloan MPS Drug Watchlist.
Nahuli ang suspek matapos ibenta ang isang heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng shabu sa isang pulis na nagpanggap bilang poseur buyer kapalit ng Php500.
Narekober sa pag-aari ng suspek ang limang heat-sealed transparent plastic sachet at dalawang buhol-buhol na transparent ice bags na naglalaman ng shabu, na may timbang na humigit kumulang 200 gramo na nagkakahalaga ng Php1,360,000.
Nakumpiska rin ang isang gray sling bag na ginamit bilang lalagyan at ang marked money na ginamit sa transaksyon.
Ang naarestong suspek, kasama ang mga narekober na piraso ng ebidensya ay dinala sa Laguna Provincial Forensic Unit sa Camp Paciano Rizal, Sta. Cruz, Laguna, para sa laboratory examination.
Samantala, ang mga kasong paglabag sa Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002” ay isasampa laban sa suspek.
Pinuri ni PBGen Lucas, Regional Director ng PRO CALABARZON, ang Siniloan MPS sa mabilis at mapagpasyang operasyon. “Maging babala ito sa mga taong nagpapatuloy sa iligal na kalakalan ng droga dito sa rehiyon, sinisiguro ko na hindi mapapagod ang ating kapulisan upang sugpuin ang ganitong gawain. We stand firm in ensuring a safer and drug-free CALABARZON,”
Source: PRO4A-PIO
Panulat ni Pat Maria Sarah P Bernales