Php1.2M halaga ng shabu, nasabat ng Pinukpuk PNP; driver, arestado

0
314

Arestado ang isang 73-anyos na driver matapos makuhanan ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng Php1.2 milyon sa ikinasang Oplan Sita ng mga tauhan ng Pinukpuk Municipal Police Station sa Pinukpuk, Kalinga nito lamang Mayo 10, 2026.

Kinilala ni Police Captain Thomas B Cayomba, Chief of Police ng Pinukpuk MPS, ang suspek na isang 37-anyos na driver na iniwan ng isa niyang kasamahan matapos namataan ang presensya ng kapulisan.

Narekober sa operasyon ang 27 sachets ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 177.3 gramo na nagkakahalaga ng Php1,205,640, live ammunition ng iba’t ibang baril, digital weighing scale, at iba pang drug paraphernalia. Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Samantala, hindi titigil ang Pinukpuk PNP sa pagsugpo sa mga ipinagbabawal na gamot para sa ligtas at maayos na komunidad, alinsunod sa adhikaing “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Leave a Reply