Isinagawa ang Peace Unity Walk, Covenant Signing, at Candidates’ Forum ng mga kandidato, kinatawan ng COMELEC, PNP, AFP, security forces, at LGU, para sa kauna-unahang Bangsamoro Autonomous Region for Muslim Mindanao (BARMM) Parliamentary Elections sa Provincial Capitol sa Buluan, Maguindanao del Sur nito lamang nito lamang Hulyo 28, 2026.
Ang programa ay isinagawa bilang pagpapakita ng kanilang sama-samang hangarin na matiyak ang mapayapa at maayos na halalan.
Nabatid na nagsimula ang programa sa isang Unity Walk mula sa Buluan Bridge patungo sa Provincial Capitol na pinangunahan ni Atty. Allan Kadon, Comelec Provincial Election Director,
Kasama sina 1st Mechanized Brigade Commander BGen. Omar Orozco ng 601st Brigade Commander, BGen. Edgar Catu, Police Colonel Michael John Mangahis, Provincial Director ng Maguindanao del Sur Police Provincial Office, mga hepe ng pulisya at mga kandidatong lalahok sa halalan.
Sa isinagawang Covenant Signing, pormal na ipinakilala ng COMELEC ang mga kandidato mula sa iba’t ibang distrito at partidong pampulitika.
Nanumpa naman ang lahat ng kandidato na susunod sa mga itinakdang patakaran at lumagda sa Peace Covenant bilang pangako ng pagkakaisa, mapayapang kampanya, at patas na halalan.
Lumagda rin bilang mga saksi ang mga opisyal ng COMELEC, PNP at AFP bilang simbolo ng kanilang sama-samang pangako na pangalagaan ang integridad ng halalan sa BARMM na naayon sa mantra ng “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”
Source: Maguindanao del Sur Police Provincial Office



