Ininspeksyon ni Police Colonel Relly Arnedo, Provincial Director ng Bulacan Police Provincial Office ang pinaigting na seguridad sa Barangay and Sangguniang Kabataan Elections 2023 sa probinsya ng Bulacan nito lamang Lunes, ika-30 ng Oktubre 2023.
Kabilang sa pinuntahan ang bawat voting center na mayroong nakatalaga na Police Assistance Desk kasama ang ibang kawani ng gobyerno.
Tiniyak ng Bulacan PNP ang mahigpit na seguridad at pagpapatupad ng Gun Ban sa iba’t ibang barangay sa probinsya na may layuning maging maayos at mapayapa ang Barangay and Sangguniang Kabataan Elections 2023.
Source: Bulacan Police Provincial Office Panulat ni PCpl Jeselle V Rivera