PCol Allatog, nanumpa bilang bagong Provincial Director ng Tawi-tawi PPO

0
756

Pormal nang nanumpa si Police Colonel Byron F Allatog bilang bagong Provincial Director ng Tawi-tawi Police Provincial Office sa ginanap na Turnover of Office Ceremony noong Mayo 8, 2026 sa PRO BAR Multi-Purpose Center, Camp BGen Salipada K Pendatun, Parang, Maguindanao del Norte.

Pinangunahan ang seremonya ni Police Brigadier General Christopher M Abecia, Regional Director ng Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region, na nagbigay-diin sa pamumuno nang may integridad, propesyonalismo, at pangako sa pagtupad sa mandato bilang isang alagad ng batas.

Nabatid na si PCol Allatog ay isang Australian government scholar, FBI National Academy graduate, Metrobank awardee, Ten Outstanding Young Men award recipient, isang dedikado at family-oriented na pulis mula sa Bontoc, Mt. Province.

Ang panibagong panunungkulan ni PCol Allatog ay hudyat ng panibagong yugto ng liderato sa Tawi-tawi PPO na nakatuon sa Community-Oriented Policing.  Kaakibat nito ang layunin ng PNP na higit pang mapatatag ang tiwala ng publiko, alinsunod sa adbokasiyang “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong mabilis, tapat, at nararamdaman.”

Leave a Reply