PCADG-CADD, nagsagawa ng Information Drive at Awareness Campaign sa Caloocan City

0
963

Bilang bahagi ng patuloy na programa para sa mas ligtas na komunidad, matagumpay na isinagawa ng Community Assistance and Development Division (CADD) ng Police Community Affairs and Development Group ang isang Information Drive at Awareness Campaign sa Barangay 8, Caloocan City nito lamang araw, Setyembre 03, 2025

Dakong alas-8:00 ng umaga, nagsimula ang aktibidad sa Covered Court ng Barangay 8 sa pangunguna ng mga tauhan ng CADD na pinangunahan ni Police Major Adonis Paul G Escamillan, Assistant Chief, CADD, sa ilalim ng superbisyon ni PLtCol Luis E Guisic, Acting Chief, CADD.

Ang nasabing aktibidad ay inisyatibo ng Police Community Affairs and Development Group (PCADG) sa pamumuno ni Police Brigadier General Marvin Joe C Saro, katuwang ang Caloocan City Police Station.

Dumalo sa aktibidad ang mga opisyal ng barangay, barangay tanod, mga purok lider, at mga residente ng lugar na umabot sa humigit-kumulang 200 katao.

Ilan sa mga paksang tinalakay ay ang Safe Spaces Act (RA 11313) o Anti-Bastos Law, Kampanya Laban sa Ipinagbabawal na Gamot (RA 9165), Mga Tungkulin ng Mamamayan  Laban sa Terorismo, Mga Tips sa Pag-iwas sa Krimen, Ipinakilala rin sa mga kalahok ang opisyal na social media pages ng PCADG Tagapag-Ugnay upang palakasin ang ugnayan ng kapulisan at mamamayan sa online platforms.

Namahagi rin ang mga tauhan ng CADD ng 200 food packs at 200 IEC (Information, Education, and Communication) materials ukol sa mga nabanggit na paksa.

Nagtapos ang programa dakong alas-1:00 ng hapon sa parehong araw na may positibong resulta at aktibong partisipasyon mula sa mga kalahok.

Layunin ng ganitong mga aktibidad na patatagin ang ugnayan ng kapulisan at komunidad, at hikayatin ang bawat isa na makiisa sa pagtataguyod ng kapayapaan at kaayusan sa komunidad.