PBGen Rodriguez, nagkaloob ng 10 Electric fans at 2 computers sa Catabayungan Elementary School

0
49

Nagkaloob ang Police Regional Office 2 (PRO2) sa pangunguna ni PBGen Mariano C. Rodriguez, Regional Director ng PRO2, ng 10 electric fans at dalawang desktop computers sa Catabayungan Elementary School sa Cabagan, Isabela nito lamang ika-28 ng Agosto, 2026 bilang bahagi ng patuloy na suporta ng PRO2 sa sektor ng edukasyon at mga lokal na komunidad.

Tinanggap ni Mr. Eric B. Paddayuman, Principal I ng Catabayungan Elementary School, ang mga ipinagkaloob na kagamitan na inaasahang makatutulong sa paglikha ng mas komportableng kapaligiran sa pag-aaral at pagpapalakas ng technological capabilities ng paaralan para sa kapakinabangan ng mga guro at mag-aaral.

Nakiisa rin sa aktibidad si Mrs. Beverly Rodriguez, asawa ng Regional Director, kasama ang kanilang mga kapatid, na lalong nagbigay-diin sa diwa ng pamilya, pagkakaisa, at sama-samang paglilingkod sa komunidad.

Sa pamamagitan ng inisyatibang ito, patuloy na pinagtitibay ni PBGen Rodriguez at ng PRO2 ang police-community partnership at suporta sa mga programang nag-aambag sa kapakanan, pag-unlad, at mas magandang kinabukasan ng mga kabataan sa Bagong Pilipinas.

Source: PNP Police Regional Office 2

Leave a Reply