Tuesday, April 29, 2025

PBBM, pinangunahan ang 46th Commencement Exercises ng PNPA “Sinaglawin” Class of 2025

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang 46th Commencement Exercises ng Philippine National Police Academy (PNPA) para sa 206 kadete ng “Sinaglawin” Class of 2025, na may temang “Kapulisan na May Malasakit at Integridad, Sandigan ng Kaayusan ng Sambayanan” na ginanap sa Camp General Mariano N. Castañeda, Silang, Cavite ngayong araw, Abril 29, 2025.

Ang pangalan ng klase, na pinagsamang mga salitang sinag (liwanag) at lawin (agila), ay sumisimbolo sa layunin ng mga kadete na maging matatag, mapagbantay, at puno ng pag-asa bilang mga lider na magsusulong ng kapayapaan at kaayusan sa bansa.

Sa hanay ng mga nagtapos, si Police Cadet Marc Joseph L. Vitto mula sa Oriental Mindoro ang nanguna bilang Class Valedictorian. Pinarangalan siya ng Presidential Kampilan Award, Journalism Kampilan Award, at Plaque of Merit bilang pagkilala sa kanyang natatanging pagganap at dedikasyon.

Gumawa rin ng kasaysayan ang “Sinaglawin” Class of 2025 bilang unang batch ng PNPA na awtomatikong naitalaga bilang Police Lieutenant, alinsunod sa Republic Act No. 11279.

Ang pagtatapos ng “Sinaglawin” Class of 2025 ay hindi lamang isang pagdiriwang ng tagumpay kundi isang mahalagang hakbang patungo sa mas mataas na tungkulin sa kapulisan. Bilang mga bagong Police Lieutenant, inaasahan ang mga kadeteng ito na magsilbing inspirasyon sa kanilang mga kapwa kawani ng pulisya at magtaguyod ng mas ligtas at mas maayos na komunidad. Ang kanilang dedikasyon sa serbisyo at malasakit sa bayan ay magiging pundasyon ng kanilang patuloy na tagumpay sa pagpapatupad ng batas at pag-aalaga sa kapakanan ng mga mamamayan.

Leave a Reply

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,550SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles