Pastoral Visit at Holy Eucharistic Mass, Isinagawa sa Quirino PPO

0
212

Mainit na tinanggap ng Quirino Police Provincial Office (QPPO) si PCpt Rommel R. Cacayorin, Regional Pastoral Officer, Chaplain Service, Police Regional Office 2 sa isinagawang Pastoral Visit at Holy Eucharistic Mass na ginanap sa QPPO Parade Ground, San Leonardo, Aglipay, Quirino nito lamang ika-21 ng Mayo 2026.

Pinangunahan naman ni PCol Paul Y. Gamido, Provincial Director ng Quirino PPO, ang nasabing aktibidad bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng espiritwalidad, pagkakaisa, at propesyonalismo ng mga kapulisan sa lalawigan.

Sa naging mensahe ni PCpt Cacayorin, binigyang-diin niya ang kahalagahan ng mentoring sa pagpapatibay ng integridad, disiplina, at moral na pananagutan ng bawat kawani ng PNP kaugnay ng pagpapatupad ng Mentoring 3.0. Hinikayat niya ang mga personnel na pairalin ang matibay na pagpapahalaga, pagkakaisa, at dedikasyon sa pagtupad ng kanilang tungkulin bilang lingkod-bayan at tagapangalaga ng komunidad.

Samantala, pinaalalahanan naman ni PCol Gamido ang mga tauhan ng QPPO na isabuhay ang katapatan, pananagutan, respeto, at dedikasyon sa kanilang personal at propesyonal na buhay bilang huwaran ng mabuting asal at responsableng paglilingkod publiko.

Layunin ng aktibidad na higit pang mapalalim ang pananampalataya, integridad, at malasakit sa serbisyo ng bawat kapulisan upang patuloy na makapaghatid ng serbisyong mabilis, tapat, at nararamdaman para sa mamamayan.

Source: Quirino PPO Valley Cops

Panulat ni Pat Leinee Lorenzo

Leave a Reply