Alerto ang mga tauhan ng Pasig City Police Station sa pagpapanatili ng kaayusan sa mga sementeryo sa lungsod tulad na lamang sa Pasig Catholic Cemetery nito lamang Sabado, Nobyembre 2, 2024.
Ayon kay Police Colonel Hendrix Mangaldan, Acting Chief of Police ng Pasig CPS, katuwang ng pulisya ang mga Force Multipliers na nagbigay-laan ng kanilang oras upang makapaghatid ng serbisyo para sa ating mga kababayang bibisita sa mga puntod ng kanilang namayapang minamahal.
Dahil sa presensya ng Pasig PNP at Force Multipliers ay napapanatili ang maayos, mapayapa at ligtas na Undas 2024 para sa mga taong nagbigay dasal para sa kanilang pamilyang pumanaw na.
Hinikayat naman ng Pambansang Pulisya ang mga mamamayang nagsipunta sa sementeryo na suportahan at makiisa sa layunin ng pamahalaan sa pagtaguyod ng isang ligtas, tahimik at maayos na pamayanan hindi lamang nitong Undas 2024 kundi sa araw-araw na pamumuhay.
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos