Ilocos Norte – Naghandog ang PRO 1 ng Pangkabuhayan Package at Goat Dispersal Program sa Currimao, Ilocos Norte nitong ika-26 ng Hunyo 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Brigadier General Westrimundo D. Obinque, Regional Director, Police Regional Office 1 at Police Colonel Julius C Suriben, Provincial Director, Ilocos Norte Police Provincial Office at Capitol Express ng Provincial Government of Ilocos Norte.
Ayon kay Police Colonel Suriben, tatlong kambing at livelihood assistance na nagkakahalaga ng tig- Php3,000 ang iginawad sa mga rebel returnees sa tulong na rin ng Brigade Commander ng 503rd, Philippine Army.
Ayon pa kay Police Colonel Suriben, isinagawa din ang panunumpa para sa Pledge of Allegiance and Covenant for Sustainable Internal Security, Peace & Development na alinsunod sa Executive Order No. 70, End Local Communist Armed Conflict.
Samantala, nabigyan rin ng livelihood assistance ang 104 na mangingisda at magsasaka na dating kabilang ng mga makakaliwang organisasyon pagkatapos nilang manumpa para sa tuluyang pagtalikod sa organisasyon.
Ang inisyatibong ito ay bahagi pa rin ng ginagawang hakbang ng pamahalaan para sa pag-unlad ng sambayanan lalo na sa mga naligaw ng landas at makamtan ang kapayapaan sa bansa.
Source: Ilocos Norte PPO
###
Panulat ni PSSg Lhenee B Valerio