Ipinakita ng mga tauhan ng Revitalized-Pulis sa Barangay Cluster 8 ng Davao Oriental Police Provincial Office sa pamumuno ni PLt Nadie S Lambino ang kanilang malasakit at pagmamahal sa mga residente ng kanilang nasasakupan lalo na ang pagtulong sa may mga kapansanan.
Si Mrs. Carmela Baluca, 42 taong gulang ay naninirahan sa isang pugon ng niyog na hindi niya pagmamay-ari sa Brgy. Cabadiangan, Lupon, Davao Oriental. Siya ay mayroong anim na anak, subalit sa kasamaang palad, ang dalawang anak nito ay pumanaw na. Kaya naman ngayon ay mag-isa niyang itinataguyod ang apat niyang anak.
Dahil dito, agad na tinulungan ng R-PSB Cluster 8 kasama ang PABAHAYanihan Ministry ng Light House Church sa pangunguna ni Ptr. Ruben T. Colmo, mga Brgy. Tanod at Sangguniang Barangay sa pamumuno ni Hon. Claudio N. Daquiado Sr., Punong Barangay ng Brgy. Cabadiangan upang mabigyan ng simple ngunit disente at matibay na bahay si Mrs. Baluca at ng kanyang mga anak.
Labis ang pasasalamat ni Mrs. Baluca kasama ang kanyang apat na anak sa malaking tulong na ipinagkaloob sa kanya ng PNP at ng mga stakeholders.
?RPSBCluster8
#####
Panulat ni: Police Corporal Mary Metche A Moraera