Oplan Paglalansag Omega ng CIDG, nakakumpiska ng 104 Loose Firearms sa loob lamang ng 20 araw

0
1809

Matagumpay na nakakumpiska ng 104 Loose Firearms ang mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa loob lamang ng 20 araw simula September 1 hanggang September 20, 2025.

Ayon kay Police Major General Robert A Morico II, Acting Director ng CIDG, ang naturang mga nakumpiska ay bahagi sa pinaigting na Oplan Paglalansag Omega ng kanilang yunit alinsunod sa direktiba ni Police Lieutenant General Jose Melencio C Nartatez Jr, Acting Chief PNP, kaugnay sa kampanya ng himpilan laban sa iligal na baril sa buong bansa.

Dagdag pa ni PMGen Morico na sa ilalim ng nasabing Oplan, nakapagtala ang CIDG ng tinatayang 73 operasyon kabilang na ang pagpapatupad ng 27 Search Warrants, 45 buy-bust operations na nagresulta sa pagkaaresto ng 88 indibidwal at pagkakumpiska ng 104 loose firearms—na binubuo ng 19 light weapons, at 85 small arms.

Saad naman ni PMGen Morcio, “I commend all the CIDG Regional, Provincial, District, and City Field Units and Special Operating Units for this remarkable confiscation of 104 unlicensed firearms in just 20 days. By removing from the circulation of these instrumentalities of shooting, killing, contract killing and gun-for-hire, we significantly prevented crimes; and we made 88 suspects accountable for violating the comprehensive firearms law.  Maraming salamat sa inyong walang pagod na pagganap sa ating tungkulin.”

Tiniyak naman ng CIDG maging ng buong Pambansang Pulisya ang kanilang mas komprehensibong pagpapatupad ng mga kampaya laban sa lahat ng uri ng iligal na aktibidad at mga gawain upang siguruhin ang kaligtasan ng lahat ng mamamayang Pilipino.