Nueva Vizcaya – Upang mas lalong mapagtibay ang kaalaman ng ating mga kabataan, ang Kapulisan ng 2nd Nueva Vizcaya Provincial Mobile Force Company ay nagsagawa ng Oplan B.E.S o (Bisita Eskwela “I am Strong”) na ginanap sa Dupax Del Norte National High School, Brgy. Malasin, Dupax Del Norte, Nueva Vizcaya nito lamang ika-20 ng Pebrero 2023.
Nagbahagi naman ng kaalaman ang Force Commander na si Police Lieutenant Colonel Joberman Videz bilang Career Guidance Speaker para sa karapatan ng mga kabataan laban sa pang-aabuso, pananamantala at diskriminasyon.
Aktibo namang nilahukan ng 109 na mag-aaral, mga guro, at ni Ginang Medy Bianzon, Punong Guro sa nabanggit na paaralan ang aktibidad.
Kasabay ng aktibidad ay tinalakay din ng mga kapulisan ang programa kontra terorismo.
Layunin ng aktibidad na magbigay gabay sa karera ng mga kabataan kalakip nito ay ang pagbibigay din ng kaalaman sa mga mag-aaral patungkol sa kampanya ng pambansang kapulisan kontra terorismo upang maiwasan na sila ay mahimok na umanib sa mga mapanlinlang na grupo.
Source: 2nd Nueva Vizcaya PMFC.
Panulat ni PCpl Harry B Padua