Number 10 Most Wanted Person, arestado sa kasong 5 Counts of Qualified Rape of a Minor

0
215

Naaresto ng Philippine National Police (PNP), sa ilalim ng pamumuno ni PGen Jose Melencio C. Nartatez Jr., Chief PNP, ang isang 21-anyos na lalaki na kabilang sa Number 10 Most Wanted Person (MWP Charlie) sa kasong 5 Counts of Qualified Rape of a Minor noong Marso 14, 2026 sa Barangay San Isidro, Cainta, Rizal.

Ang suspek ay naaresto sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong 5 Counts of Qualified Rape of a Minor, na walang inirekomendang piyansa.

Ipinapakita ng operasyong ito ang pagtutok ng PNP sa kanilang Focused Agenda na pagpapalakas ng pamamahala sa police operations, kabilang ang paggamit ng intelligence-driven actions at agarang pagsisilbi ng warrant laban sa mga mabibigat na krimen.

Ayon kay PGen Nartatez Jr., “Our units remain relentless in ensuring that those who commit grave offenses are brought to justice. Lawbreakers will face accountability.”

Dagdag pa niya, “Walang takas sa batas ang sinumang nambibiktima ng mga bata. Mananatiling mabilis ang aming aksyon upang pangalagaan ang publiko at tiyakin na mananaig ang katarungan.”

Habang patuloy ang PNP sa pagtugis sa mga wanted na indibidwal at pagpapatibay ng pagpapatupad ng batas sa ilalim ng direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., tiniyak nito sa publiko ang adbokasiyang: “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong mabilis, tapat, at nararamdaman.”

Leave a Reply