Northern Samar – Pinagkalooban ng 2nd Northern Samar Provincial Mobile Force Company ang isang Former Rebel ng Pangkabuhayan Package nitong Agosto 14, 2023 na ginanap sa Brgy. 8 Poblacion, Pambujan, Northern Samar.
Ito ay pinangunahan ni Police Lieutenant Colonel Edwin Oloan Jr, Force Commander na suportado naman ni Police Colonel Alfredo Tadefa, Provincial Director ng Northern Samar Police Provincial Office.
Ang benepisyaryo ay dating kaanib at miyembro ng New People’s Army na sumuko sa 2nd Northern Samar PMFC.
Ang nasabing benepisyaryo ay nabigyan ng negosyong sari-sari store na nagkakahalaga ng Php5,000 na magsisilbing paunang tulong para sa kanyang panibagong buhay.
Ang aktibidad na ito ay naaayon sa E-CLIP program ng pamahalaan. Ang inisyatibong ito ay bahagi pa rin ng ginagawang hakbang ng pamahalaan para sa pag-unlad ng sambayanan lalo na sa mga naligaw ng landas at makamtan ang kapayapaan sa bansa.
Nangako naman ang 2nd Northern Samar Provincial Mobile Force Company na hindi pababayaan ang mga dating rebelde at patuloy na gagawa ng mga hakbang upang matulungan ang mga sumuko.
Sa mensahe ni PLtCol Oloan, “Surrender is not a weakness, it is a strength. It’s a journey from outer turmoil to inner peace. Nothing is more beautiful to experience than the inner rest that follows surrender. I am encouraging those who have not yet surrendered, to return to the fold of law. There is more to life than living in fear, agony and starvation.”