Patuloy sa pagpapatupad ng mga ordinansa ukol sa pagpapanatili ng seguridad at kapayapaan ang mga tauhan ng National Capital Region Police Office sa ilalim ng liderato ni Police Major General Anthony A Aberin, Regional Director, sa iba’t ibang panig ng Metro Manila.
Nabatid na nasa 9,342 local ordinance violators ang naitala ng NCRPO mula nang ipinatupad hanggang Mayo 25, 2026.
Sumasalamin sa patuloy na pangako ng NCRPO sa pagpapanatili ng kaayusan ng publiko at pagpapalakas ng disiplina sa komunidad sa pamamagitan ng patuloy na presensya ng pulisya upang mapanatiling mas ligtas, mas maayos, at mas mahigpit ang seguridad ng mga komunidad na naaayon sa “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat at Nararamdaan.”



