NAPOLCOM Vice Chairperson, binisita at nagsagawa ng inspeksyon sa mga nakadeploy na QCPD personnel

0
593

Binisita at nagsagawa ng inspeksyon si NAPOLCOM Vice Chairperson and Executive Officer Atty. Rafael Vicente Calinisan sa mga nakadeploy na QCPD personnel na pinamumunuan ni PCol Randy Glenn Silvio, ganap na 7:30 ng umaga ngayon araw sa People Power Monument (PPM), Quezon City, kaugnay ng isinagawang indignation rally.

Deployed din sa lugar ang mga personnel mula sa DPOS sa pangunguna ni PBGen Elmo San Diego (Ret.) at ibang agencies upang magbigay-suporta sa seguridad sa aktibidad.

Sa kanyang naging mensahe, nagpasalamat si Commissioner Calinisan sa mga kapulisan sa kanilang dedikasyon at patuloy na pagtupad sa tungkulin, lalo na sa mga kaganapang may malaking pagtitipon.

Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng pag-iingat habang naka-duty, sapagkat may mga pamilyang nag-aabang sa kanilang ligtas na pag-uwi.

Source: QCPD FB Page