Sinira ng Bulacan PNP ang 2nd Batch na nakumpiskang ilegal na paputok at pyrotechnic na kagamitan na ginanap sa Barangay Camachile, Doña Remedios Trinidad, Bulacan nito lamang Lunes, ika-6 ng Enero 2025.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Colonel Satur Ending, Provincial Director, Bulacan Police Provincial Office, kasama si Mr. Michael L. Cruz, MENRO DRT, Bulacan representative, Police Captain Jasper D Tagulao, Officer, PECU Bulacan at SFO3 Millicent A. Comon, BFP, DRT Fire Station
Ang tuluyang pag-dispose ng mga ilegal na kagamitang ito ay mahalagang hakbang upang matiyak na ang mga mapanganib at walang pahintulot na materyales ay hindi na makapinsala pa lalo na pagkatapos ng pagdiriwang ng Bagong Taon.
Ito ay isang paalala para sa lahat na magtulungan upang mapanatili ang isang ligtas at mapayapang komunidad sa pamamagitan ng pagsunod sa mga batas at pagpapalaganap ng kaligtasan para sa kapakanan ng bawat isa.
Ang masigasig na hakbang ng Bulacan PNP ay isang mahalagang kontribusyon sa pag-iwas sa kapahamakan at sa pagpapalaganap ng kultura ng kaligtasan at pagsunod sa batas.
Panulat ni Pat Nikki Pearl Crystalynne Javier