Most Wanted Person sa Rehiyon, timbog sa operasyon sa GenSan; Php408K halaga ng Shabu, nasamsam

0
277

Timbog ang isang Most Wanted Person na kabilang sa Top 10 Regional Level at Top 9 City Level matapos ang ikinasang Manhunt Charlie Operation ng mga awtoridad sa Barangay Dadiangas South, General Santos City noong Mayo 19, 2026.

Pinangunahan ang operasyon ng mga tauhan ng General Santos City Police Station 6 sa ilalim ng pangangasiwa ni Police Major Junel Rey S. Gatera, Station Commander, kasama ang SWAT-CMFC, CIU-GSCPO, at RIU 12.

Naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest dahil sa paglabag sa Section 11, Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na walang inirekomendang piyansa.

Sa isinagawang operasyon, nakumpiska mula sa suspek ang ilang sachet ng hinihinalang shabu at iba’t ibang drug paraphernalia na umaabot sa 60 gramo ang kabuuang timbang na may tinatayang halaga na aabot sa Php408,000.

Ipinapakita ng matagumpay na operasyong ito ang patuloy na pinaigting na kampanya ng kapulisan laban sa ilegal na droga at mga wanted person upang mapanatili ang kaayusan at kaligtasan ng komunidad na layunin ng “Bagong PNP sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat at Nararamdaman.”

Leave a Reply