Sunday, May 12, 2024

Most Wanted Person sa kasong panghahalay sa menor de edad arestado sa Tacloban

Tacloban City – Arestado ang isang lalaki sa kasong panghahalay sa menor de edad sa operasyon ng pulisya sa Tacloban City nito lamang Lunes, Marso 7, 2022.

Kinilala ni Police Major Leonides Sydiongco, Police Station 1 Commander ng Tacloban City Police Office, ang naarestong suspek na si Noel Salipot Balida alyas “Brad”, 35 at residente ng Brgy. Salog, Leyte-Leyte.

Ayon kay Police Major Sydiongco, si Balida ay nahuli sa Brgy 109, V&G Subdivision, Tacloban City ng magkatuwang na puwersa ng mga operatiba ng Police Station 1 at 2 ng Tacloban City Police Office, Leyte-Leyte Municipal Police Station, TCPO Intelligence Unit, at Regional Drug Enforcement Unit 8.

Ayon pa kay Police Major Sydiongco, si Balida ay tinaguriang Top 9 Most Wanted Person ng Leyte-Leyte.

Aniya pa ni Police Major Sydiongco, naaresto si Balida sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ni Hon. Emelinda R Maquilan, Presiding Judge ng RTC, 8th Judicial Region, Branch 13 ng Carigara Leyte na may petsang Pebrero 14, 2022 at inirerekomenda ng korte ang piyansang Php180,000 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Dagdag pa ni Police Major Sydiongco, si Balida ay nahaharap sa kasong paglabag sa Art. 336 ng RPC, Acts of Lasciviousness in relation to Sec. 5 ng RA 7610 (Child Abuse).

Pinapurihan ni Police Major Sydiongco ang kanyang mga tauhan at mga katuwang na operatiba sa matagumpay na pagkaaresto sa suspek.

“Sa pamamagitan ng ating kampanya laban sa kriminalidad at adbokasiya para sa kapakanan ng kababaihan at mga bata, hustisya sa mga biktima ng naturang karahasan, pang-aabuso o pagsasamantala, dapat laging mananaig ang panuntunan ng batas at ang mga lalabag ay mapaparusahan”, ani Police Major Sydiongco.

###

Panulat ni Patrolwoman Rialyn Valdez-RPCADU 8

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,130SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles