Most Wanted Person sa CALABARZON sa kasong rape, arestado ng Silang PNP

0
122

Matagumpay na naaresto ng pinagsanib na puwersa ng Silang Municipal Police Station at Cavite Provincial Intelligence Team (PIT) ang isang Regional Level Most Wanted Person ng PRO CALABARZON sa isinagawang law enforcement operation sa Barangay Santo Tomas, BiƱan City, Laguna noong Hulyo 14, 2026. Kinilala ni PLtCol Joseph D. Macatangay, Chief of Police ng Silang Municipal Police Station, ang naarestong akusado na kilala sa alyas na “Nin,” 50 taong gulang.

Isinagawa ang operasyon bilang bahagi ng Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operations, kung saan ipinatupad ang Warrant of Arrest laban sa akusado para sa kasong rape in relation to Republic Act No. 7610. Ang naturang warrant ay inilabas ng Regional Trial Court, Branch 18, Tagaytay City, Cavite noong Oktubre 20, 2015, at walang inirekomendang piyansa.

Ayon sa pulisya, ipinaalam sa akusado ang kanyang mga karapatang konstitusyonal sa wikang kanyang nauunawaan bago siya isinailalim sa kaukulang legal na proseso.

Pinuri ni PCol Ariel R. Red, Provincial Director ng Cavite Police Provincial Office, ang matagumpay na operasyon. Aniya, ang maayos na koordinasyon at dedikasyon ng mga operatiba ay mahalaga upang maihatid ang hustisya sa mga biktima at mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa mga komunidad.

Patuloy na pinaiigting ng Cavite PPO ang kampanya laban sa mga taong umiiwas sa pananagutan sa ilalim ng batas sa pamamagitan ng mahusay na koordinasyon at maagap na pagpapatupad ng mga operasyon, alinsunod sa adbokasiya ng Pambansang Pulisya na ā€œBagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.ā€

Source: PNP Cavite PPO

Leave a Reply