Arestado ng Vigan City PNP ang isang Most Wanted Person sa kasong 7 Counts of Rape sa Barangay VIII, Vigan City, Ilocos Sur, nito lamang Miyerkules, Abril 3, 2024.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Reynante D Pitpitan, Officer-In-Charge ng Vigan City Police Station, ang suspek na si Agustin Austria Pugal, 26, residente ng Barangay Capangpangan, Vigan City, Ilocos Sur.
Ayon kay PLtCol Pitpitan, inaresto ang suspek dakong 10:00 ng umaga sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong 7 Counts of Rape na walang rekomendadong piyansa.
Ang Vigan City PNP ay patuloy sa pagsasagawa ng mga operasyon laban sa mga taong may pananagutan sa batas upang mabigyan ng hustisya ang kanilang mga naging biktima.
Source: Vigan City Police Station, Ilocos Sur
Panulat ni Patrolman Dennis P Carinal