Kusang nagbalik-loob sa mga awtoridad ang isang miyembro ng Communist Terrorist Group sa himpilan ng 804th Maneuver Company, RMFB 8, Barangay Urdaneta, Lavezares, Northern Samar nito lamang ika-20 ng Abril 2024.
Kinilala ni Police Captain Mark Mhon T Amistoso, Officer-In-Charge ng nasabing istasyon ang nagbalik-loob na si alyas “Jake”, 27 anyos, magsasaka at residente ng Barangay Happy Valley, San Isidro, Northern Samar.
Ang pagbabalik-loob nito ay resulta ng matagumpay na negosasyon ng mga tauhan ng 804th Maneuver Company, RMFB 8 kasama ang Area Police Command-Visayas, 1st Northern Samar PMFC, 125SAC, 12 Special Action Battalion PNP-SAF, Lavezares Municipal Police Station, Provincial Intelligence Team Northern Samar, Regional Intelligence Unit 8 at Northern Samar PHPT-Regional Highway Patrol Unit 8.
Kasama ring isinuko ni alyas “Jake” sa mga awtoridad ang kanyang isang yunit na caliber .38 revolver.
Nasa ilalim na ngayon ng pansamantalang proteksyon ng 804th Maneuver Company ang nasabing surrenderee habang pinoproseso ang kanyang pagsasailalim sa Enhanced-Comprehensive Local Integration Program ng ating pamahalaan para sa kanyang pagsisimula ng bagong buhay.
Ito rin ay nakatanggap ng agarang tulong na foodpacks mula sa kapulisan.
Ang kanyang pagbabalik-loob ay isang malinaw na pagpapakita sa bisa ng Whole of the Nation Approach to End Insurgency” sa ilalim ng EO 70 na nagpapatibay sa NTF-ELCAC gayundin sa walang humpay na pagsisikap ng ating mga kapulisan.
Panulat ni Patrolwoman Sherie-ann Masi