Pinarangalan ang anim (6) na Pulis Magiting at Pilipinong Magiting ng Police Regional Office 10 noong Nobyembre 8, 2021 sa Camp 1Lt Vicente G Alagar, Cagayan de Oro City.
Pinangunahan ng Deputy Regional Director for Administration, Police Brigadier General Ronaldo R Cabral at Mr. Garrette Paolo Nolasco ang pagdiriwang.
Ginawaran ang mga napili para sa buwan ng Agosto at Setyembre ng Medalya ng Papuri at Kasanayan, Certificate of Participation, Php5,000 mula sa Ayala Foundation Incorporated at Gcash, 20 pcs e-voucher ng Chooks to Go at Prepaid wifi mula sa Globe Telecoms.
Ang mga napili bilang Pulis Magiting at Pilipinong Magiting sa buwan ng Agosto ay sina Patrolman Elinand C Palacios, Police Corporal Via Amor Binay-an ng 2nd Provincial Mobile Force Company, Bukidnon at Police Master Sergeant Willyn G Maribao ng Misamis Occidental PPO.
Sina Police Staff Master Sergeant Dexter P Acaso ng Police Station 1, Iligan City Police Office; Police Staff Master Sergeant Junicen Agbalong Subalan ng Valencia City Police Station, Bukidnon PPO at ni Police Major Gerard Paul P Duran ng Tangub City Police Station, Misamis Occidental PPO naman ang mga nagwagi para sa buwan ng Setyembre.
Ang Pulis Magiting at Pilipinong Magiting ay isang programa na naglalayong kilalanin ang mga Pulis na nagpapakita ng pagmamahal sa bayan sa pamamagitan ng pagganap ng kanilang mga tungkulin nang may integridad, katapatan, at karangalan, at nagsasagawa ng simple ngunit tunay na kahanga-hangang mga gawa ng pang-araw-araw na kabayanihan na lampas sa tungkulin.
#####
Panulat ni: NUP Sheena Lyn M Palconite