Gamit-pandigma ng CTG, narekober ng mga awtoridad sa Gattaran, Cagayan

0
132

Matagumpay na nabawi ng pinagsanib na puwersa ng kapulisan at militar ang iba’t ibang gamit-pandigma na pinaniniwalaang pagmamay-ari ng Communist Terrorist Group (CTG) sa isinagawang verification at recovery operation sa Brgy. Mabuno, Gattaran, Cagayan, noong Hulyo 2, 2026.

Pinangunahan ng mga tauhan ng 2nd Maneuver Force Platoon (2nd MFP), 2nd Cagayan Provincial Mobile Force Company (PMFC) sa pamumuno ni PLt Charlie M. Cagayan, Platoon Leader, katuwang ang Gattaran Police Station, Cagayan Provincial Explosive and Canine Unit (PECU), PIT Cagayan North ng RIU2, at 17th Infantry Battalion, 5th Infantry Division, Philippine Army ang nasabing operasyon.

Isinagawa ang operasyon matapos makatanggap ng impormasyon mula sa isang nagbalik-loob hinggil sa nakatagong gamit-pandigma ng CTG sa kabundukan ng nasabing barangay. Sa isinagawang paghahalughog, nabawi ang iba’t ibang armas, bala, granada, blasting caps, magazines, improvised shotgun, dalawang .38-caliber revolver, at iba pang kagamitang pandigma na pinaniniwalaang nakalaan para sa posibleng paggamit ng mga natitirang miyembro ng grupo. Ang mga nakuhang explosive items ay isinailalim sa kustodiya ng Cagayan PECU, habang ang iba pang ebidensya ay dinala sa Gattaran Police Station para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Ang matagumpay na operasyong ito ay patunay ng patuloy na paghahatid ng kapulisan ng ‘Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman’ sa pamamagitan ng pinaigting na koordinasyon sa iba pang law enforcement agencies at aktibong pakikipagtulungan ng komunidad upang mapanatili ang kapayapaan, kaayusan, at seguridad sa lalawigan ng Cagayan.

Source: 2nd Cagayan PMFC

Leave a Reply