Boluntaryong sumuko sa mga operatiba ng Ilocos Sur Police Provincial Office ang dalawang dating tagasuporta ng Communist Terrorist Group sa Sta. Cruz, Ilocos Sur nitong Sabado, ika-20 ng Abril 2024.
Kinilala ni Police Colonel Darnell Dulnuan, Provincial Director ng Ilocos Sur Police Provincial Office, ang mga nagbalik-loob na sina alyas “Inzo”, at alyas “Freddie”, mga magsasaka at kapwa residente ng Sta. Cruz, Ilocos Sur.

Kasalukuyang sumasailalim ang mga sumukong indibidwal sa debriefing process at pagkatapos ay magiging parte sila ng Barangay Information Network.
Bilang pagsuporta sa mga programa ni Pangulong Ferdinad “Bongbong” Marcos Jr, patuloy na hinihikayat ng mga kapulisan ng Ilocos Sur ang mga natitira pang miyembro ng Communist Terrorist Group na magbalik-loob na sa gobyerno ng sa gayon ay magkaroon ng mapayapa at maayos na pamumuhay sa piling ng kanilang mga pamilya.
Source: Ilocos Sur Police Provincial Office
Panulat ni Pat Aileen Arvie Eustaquio