Mangrove Tree Planting, isinagawa ng RMU-NIR

0
163

Matagumpay na nagsagawa ang mga tauhan ng Regional Maritime Unit–Negros Island Region (RMU-NIR) ng isang malawakang Mangrove Tree Planting Activity sa dalampasigan ng Barangay Punta Taytay, Bacolod City, noong Sabado ng hapon, Mayo 30, 2026.

Ang naturang inisyatiba ay pinangunahan ng RMU-NIR sa ilalim ng superbisyon ni PLtCol Arnulfo M. Selencio, Officer-in-Charge, kasama sina PMaj Arnel C. Anino, Acting Assistant Chief, at PCpt Reynaldo A. Bauden Jr., Police Community Relations Officer. Isinagawa ang aktibidad bilang bahagi ng pakikiisa ng yunit sa pagdiriwang ng Month of the Ocean 2026.

Hindi lamang nakatutok sa pagsugpo ng krimen sa karagatan ang RMU-NIR, kundi masigasig din nitong ipinapatupad ang mga programang pangkalikasan na may pangmatagalang epekto sa kaligtasan ng mamamayan.

Sa aktibidad na ito, matagumpay na naitanim ng mga kapulisan ang mahigit 700 na puno ng mangrove (bakawan) sa estratehikong bahagi ng baybayin.

Ang mga bakawan ay nagsisilbing natural na depensa o storm surge barriers ng komunidad laban sa malalakas na alon at banta ng kalamidad, bukod sa pagiging natural na kanlungan ng mga yamang-dagat.

Ang proyektong ito ay pagpapatuloy lamang ng serye ng mga environmental protection clean-ups at pagtatanim na sinimulan ng yunit noong buwan pa ng Marso ng taong kasalukuyan.

Ang hakbang na ito ay direktang nakatugon sa adbokasiya ng PNP na pangalagaan ang kalikasan na naaayon sa mantra ng Pambansang Pulisya na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Panulat ni Pat Andrea Dominique Depalubos

Leave a Reply