Nagsagawa ng coastal clean-up drive ang mga kasapi ng Mambajao Municipal Police Station sa baybayin ng Brgy. Yumbing, Mambajao, Camiguin nito lamang umaga ng Nobyembre 2, 2023.
Ito ay pinangunahan ni Police Lieutenant Benjamin Oclarit Bacolcol, Deputy Chief of Police, Mambajao Municipal Police Station.

Nakiisa rin ang mga miyembro ng youth organization at Yumbing Barangay Officials.
Higit sa 10 sako ng basura ang nakuha mula sa nasabing baybayin.
Ito ay nakaangkla sa core values ng PNP na “Makakalikasan” na may layunin na mapangalagaan ang kalikasan para sa susunod na henerasyon.
Panulat ni Patrolman Edwin Baris