Mahigit Php28.3M halaga ng marijuana, nakumpiska sa Benguet at Mountain Province

0
290

Nakumpiska ang nasa Php28,390,000 na halaga ng marijuana sa magkakahiwalay na operasyon na isinagawa ng Police Regional Office Cordillera Administrative Region (PRO CAR) sa lalawigan ng Benguet at Mountain Province, noong Pebrero 27, 2026.

Ayon sa ulat mula sa Regional Operations Division ng PRO CAR, nadiskubre ang isang plantasyon ng marijuana na natamnan ng 50,000 Fully Grown Marijuana Plants (FGMJP) na may Standard Drug Price (SDP) na Php10,000,000 at dried marijuana stalks with leaves na may SDP na Php4,800,000 ng mga operatiba mula sa Sadanga Municipal Police Station (MPS), Provincial Intelligence Unit (PIU) at Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) ng Mountain Province Police Provincial Office (PPO) at ng Philippine Drug Enforcement Agency- Mountain Province sa Mount Paras, boundary ng Sadanga, Mountain Province at ng Tinglayan, Kalinga.

Samantala, sa Benguet naman, labing isang (11) plantasyon ng marijuana na natamnan ng 17,550 FGMJP at 84,000 grams ng dried marijuana leaves with fruiting tops na may SDP na Php13,590,000 ang nadiskubre ng mga operatiba mula sa Kapangan MPS, Kibungan MPS, Bakun MPS, 1st and 2nd Provincial Mobile Force Company (PMFC), PIU at PDEU ng Benguet PPO, Regional Intelligence Division (RID), Regional Intelligence Unit-14 (RIU 14) at ng PDEA CAR sa Brgy. Kayapa, Bakun; Brgy. Tacadang, at Brgy. Badeo, Kibungan; at Brgy. Gadang, Kapangan.

Lahat ng mga nadiskubreng marijuana ay agad na binunot at sinunog habang patuloy ang isinasagawang imbestigasyon upang mahanap ang iba pang posibleng plantasyon ng marijuana at upang matukoy ang mga indibidwal na responsable sa pagtatanim nito.

Source: PRO CAR