Monday, June 16, 2025

Mahigit Php1.3M halaga ng smuggled cigarettes, nasabat ng Nueva Ecija PNP

Nasabat ang tinatayang Php1,350,000 halaga ng smuggled cigarettes sa ikinasang checkpoint operation ng pulisya sa kahabaan ng San Antonio-Zaragoza Road, Barangay Batitang, Zaragoza, Nueva Ecija nito lamang Sabado, ika-30 ng Nobyembre 2024.

Ayon kay Police Brigadier General Redrico A Maranan, Regional Director ng Police Regional Office 3, na ang drayber ay isang 42 anyos, residente ng Lapaz, Tarlac at nahaharap sa paglabag sa Republic Act No. 9211 o ang “Anti-Tobacco Regulation Act of 2003”.

Nabatid na lulan ng isang puting Nissan Urban 350 ang patung-patong na mga kahon ng sigarilyo.

Nang hanapan ng kaukulang dokumento ang mga sigarilyo ay walang naipakita ang drayber.

Tinatayang aabot sa Php1,350,000 ang kabuuang halaga ng 20 kahon ng Modern Red Cigarette, 25 kahon ng Modern Blue Cigarette, 20 kahon ng RGD Cigarette at 10 kahon ng Carnival Cigarette.

“Ang mga anti-criminality checkpoints ay mahalagang instrumento upang mapigilan ang mga iligal na gawain at matiyak ang kaligtasan ng ating komunidad. Ang tagumpay ng operasyong ito ay patunay ng dedikasyon ng ating kapulisan sa pagpapatupad ng batas at pagbibigay ng proteksyon sa publiko,” ani RD Maranan.

Panulat ni Pat Nikki Lyra Barbero

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,700SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles