Pinaigting ng mga tauhan ng 4th Maneuver Platoon (MP), Provincial Mobile Force Company (PMFC) ng Maguindanao del Sur, sa pamumuno ni PLtCol Erwin G. Tabora, Force Commander, ang police visibility at seguridad sa mga polling precinct sa kanilang Area of Responsibility (AOR) bilang paghahanda at pagtugon sa idinaraos na 2026 Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao Parliamentary Elections (BARMM PE).
Bandang alas 8:00 ng umaga ngayong Setyembre 14, 2026, nagsagawa ang mga tauhan na pinamunuan ni PCpt Andrew Jan F. Fontamillas, Platoon Leader, ng mobile patrolling at ocular visits sa iba’t ibang polling precinct.
Layunin ng operasyon na matiyak ang kaligtasan, seguridad, at kaayusan sa mga polling center, gayundin ang pagpigil sa anumang banta.
Patuloy namang nakatuon ang 4th MP, PMFC sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan at sa pagtiyak ng ligtas, mapayapa, at maayos na pagsasagawa ng BARMM PE 2026, alinsunod sa adbokasiya ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”
Source: Maguindanao del Sur PMFC (https://www.facebook.com/share/p/14xQVQwTGUH/)

