LUPPO at ITRMC, nagsagawa ng Blood Letting Activity sa Camp Diego Silang, City of San Fernando

0
20

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng 31st Police Community Relations (PCR) Month, matagumpay na nagsagawa ang La Union Police Provincial Office (LUPPO), sa pakikipagtulungan ng Ilocos Training and Regional Medical Center (ITRMC), ng Blood Letting Activity sa ilalim ng temang “Project Sagut a Biag” (Gift of Life) noong Hulyo 28, 2026 sa Camp Diego Silang.

Sa pangunguna ni Police Colonel Redentor C. Ulsano, Provincial Director, at sa pamamagitan ng Provincial Community Affairs and Development Unit (PCADU), nakiisa ang 49 na boluntaryong blood donor sa aktibidad bilang suporta sa pagpapalakas ng suplay ng dugo at pagtulong sa pagliligtas ng mga buhay na nangangailangan ng agarang pagsasalin ng dugo.

Ipinamalas ng programa ang patuloy na malasakit at dedikasyon ng Philippine National Police sa paglilingkod sa komunidad sa pamamagitan ng pagsusulong ng mga makataong inisyatiba na nagtataguyod ng kalusugan, pagkakaisa, at bayanihan.

Muling pinagtitibay ng Pambansang Pulisya ang pangako nitong maghatid ng makabuluhan at responsableng serbisyo publiko sa pamamagitan ng mga programang may positibong epekto sa komunidad, alinsunod sa adhikaing “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Panulat ni PMSg Carmela G Danguecan

Source: LUPPO

Leave a Reply