Loose firearm, boluntaryong isinuko sa PNP–Maritime Group sa Antique

0
460

Boluntaryong isinuko saPhilippine National Police–Maritime Group (PNP–MG), ang isang loose firearm sa isinagawang Oplan Katok ng Antique Maritime Police Station (MARPSTA) sa Barangay Tuno, Tibiao, Antique.

Bandang 4:00 ng hapon ng Enero 6, 2026, tinanggap ng mga tauhan ng Antique MARPSTA, ang isang unit ng homemade 12-gauge shotgun, walang marka, serial number, at bala. Ang nasabing baril ay boluntaryong naiturn-over ng isang individual na kinilala sa alyas na “Ago”, 47 taong gulang, isang obrero at residente ng nasabing barangay, matapos isagawa ang pulong-pulong at information drive bilang bahagi ng implementasyon ng Oplan Katok sa komunidad.

Sa kasalukuyan, ang nasabing loose firearm ay nasa kustodiya na ng Antique MARPSTA, sa pangangalaga ng Logistics PNCO, upang masiguro ang ligtas na pag-iingat habang hinihintay ang pormal na turnover sa Provincial Forensic Unit (PFU) Antique para sa ballistic at gunpowder residue examination, at para sa wastong disposisyon alinsunod sa umiiral na mga patakaran.

Ang operasyong ito ay patunay ng patuloy na pagsasakatuparan ng PNP-MG sa adhikain ng Bagong Pilipinas, na maghatid ng Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman, at ng epektibong pagtutulungan ng kapulisan at komunidad sa pagpapanatili ng kapayapaan, kaayusan at kaligtasan ng publiko.