Leyte – Boluntaryong isinuko ng isang residente ang isang loose firearm sa mga tauhan ng Regional Intelligence Unit 8 sa Barangay Plaridel, Baybay City, Leyte nito lamang Linggo, ika-4 ng Disyembre 2022.
Nakilala ang nasabing nagsuko ng baril na si Bonifacio V Bitayo, walang trabaho at residente ng Barangay Plaridel, Baybay City, Leyte.
Ayon kay Police Lieutenant Colonel Raad Lapura, Officer-In-Charge ng RIU8, ang isinukong baril ay isang Cal. 38 at may limang live ammunitions na natagpuan sa ilog sa kanilang sitio noong Nobyembre 20, 2022.
Agad namang itinurn-over ang naturang baril ng mga tauhan ng RIU8 kasama ang City Intelligence Team Ormoc sa pangangalaga ng Baybay City Police Station para sa tamang dokumentasyon at disposisyon.
Ito rin ay kaugnay sa pinaigting na pagsasakatuparan ng Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operations (SACLEO), na nakatuon sa kampanya laban sa loose firearms (RA 10591), mga paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 (RA 9165), pag-aresto sa mga wanted persons, anti-illegal logging at anti-illegal gambling activities.
Layunin nitong mapanatili ang katahimikan at kaayusan sa komunidad at maiwasan ang panganib na maaaring idulot ng kriminalidad at terorismo.